Sunday, July 14, 2013

Mga Taong galit sa Mundo.

Naiinis nanaman ako, bakit ba lagi nalang ganito. Bakit ba ang buhay ko ay parang binagsakan ng langit at lupa. Wala na talagang safe na lugar kahit sa world wide web ay nahuhuli parin ako.

Bakit ba kailangan mang yari ang mga ganito. Ayoko na ng gantong buhay.

Friday, May 10, 2013

Habang tumatagal mas lalong nagiging tanga.

Ola mga tanga, muli nanaman akong nagbabalik upang ipaalam sa inyo ang mga kamalasan ko sa buhay. Akalain mo nga naman at umabot pa kami ng anim na bwan na laging away bati pero at least sumexy ako. haha . Mukang dito na nagtapos ang lovelife kong matagal ko ng hinintay, dahil sa katangahan kong ginawa. Dahil tanga ako at bawal ako mag boypren, malamang nililihim ko lng ito sa lahat. Pero hindi ko kayang kinikimkim ko lang, gusto ko ilabas kagaya nga ng ginagawa ko sa pagbblog ko to nilalabas. Sa hindi inaasahang pangyayari nabasa ito ng kontrabida kong pinsan  >.< AND THIS MY LIFE ENDS. Tapos na ang maliligaya at nakakapagpabadtrip ng araw ko. Galit na galit sya sakin at isusumobong daw nya ako pag hindi ako naki pag break. WTF is that -_- . Kakahiya naman sa boypren ko pagkatapos ako bigyan ng dambuhalang teddy bear sabay break? haha epic, edi ayon na nga nka block nako sa facebook nya. SORRY! mahirap ipagpalit ang pag-aaral sa lovelife. Tsaka nlng uli pagkagraduate -.- Ayan ha! PUTANG INA ang sakit sa puso!!! tapos hindi ka maniniwala!

                                                   OK THANKS BYE T.T


Wednesday, January 2, 2013

Oh My Gulay! :O

Bagong taon, bahong buhay, Buhay pa pala ko? at buhay ka pa pala? tila isa nakong masamang damo at tumatagal pako sa mabahong mundong ito. Sa totoo lang nakakasawa na mabuhay pa, kung pwede nga e bigla nalang akong magpoof! kaya lang syempre gusto ko sa langit ang akyat ko ... Tungkol dun sa pinaka huli kong blog, nagrereklamo ako sa love life ko. Parang my nakabasa ata nun at bigla akong nagkaBoyfriend!e akalain mo un thuglife :X Matagal na pala syang nagpaparamdam 1st sem palang at napansin ko lang sya nung naging magkaklase kami. Ewan, Pano, Basta ganun nalang bigla. Oct 20 2012 saturday night, pabalik nako ng las pinas at nakasakay sa fx. katxt ko sya tas yun na un sinagot ko na agad agad ng walang pakundangan. Mga oras na yun tinamaan lang ako ng malakas na trip. Dalawang buwan na ang nakakalipas at hanggang ngaun ay kami parin. Madami na agad nangyari samen. Sa oras na to nangtatamlay nako sa pagmamahalan namin, parang wala lang. Dahil siguro sa hindi namin pagkikita at hindi paguusap ng ilang araw. Bukas muli na kaming magkikita uli dahil enrollan na ng 3rd term bilis no malapit nakong mag 2nd year nawa :)

Daming issue tungkol sa kanya, at napaka komplikado nya. Una isa syang babaero, bago naging kami meron na syang girlfriend at 7 months na sila pero ewan ko tatanga-tanga ako at natripan ko pang sagutin. Siguro dahil na challenge ako kaya ganun, pangalawa napaka lasenggo nya! yung tipong paguuwi sya sa Rosario e araw-araw na syang iinom ng alak, tangina lang e isaksak mo sa baga mo yang alak mo! pangatlo e family problem nya, di sila gano magkasundo ng mama nya at papa naman nya nasa ibang bansa di alam kung my iba na.

Kaya sigurgo sya nagkakaganun, ewan ko wala nakong paki alam sa kanya kung san sya masaya e suportahan ko nalang, gusto ko sana sya mabago pero di ko pala kaya di nya rin ako pinapakinggan. Kung mama nga nya nababastos nya ako pa kaya na girlfriend lang nya?. Basta hindi ako manghihinayang kung bigla nalang sya mawala sa  buhay ko. Nung isang araw ko lang narealize yun, handa narin akong makipag break anytime i want. My isa lang akong pinoproblema ng malaki....

Friday, October 12, 2012

Nilalangaw na Page

Nakakalungkot isipin dahil nilalangaw na tong page ko, miski langaw nga siguro walang dumayo. Anyways wala naman kasi silang mapapala kung babasahim nila tong mga sinusulat ko kasi puro kamalasan ko lang to.
Tila napakabilis ng araw at apat na bwan nakong nakatira sa Empyerno, in fairness nakakasurvive naman kahit papano. Tuloy parin ang kamalasan ko.

2nd sem nakong nag-aaral sa FEU East Asia College at wala parin akong nakikitang lalaki para sakin. Nagtataka na mga kaibigan ko sa TCU, ano pa nga ba wala kong makita na kalevel ng standard ko. Marahil ay masyado lang akong maarte at mapili pagdating sa pag-ibig kasi sabi nila Stick to one daw ako, hmm ewan ko lang. Sa apat na bwan kong pag-aaral my mga taong hinangaan ko din naman isa na dun si allen. pwe! Oo nga pala napapadalas ang pagkain ko at bilang resulta tumataba nako, di maiwan dahil sa ka depresan ko.

Friday, June 29, 2012

Pinaghirapan mong assignment tas di naman naipasa

bat ganon! naiiyak nako, naiinis at nang hihinayang dahil sa assignment kong hindi naipasa! programming un dude MAJOR! 12 machine problems ang laking kawalan nun sakin! ang tanga tanga kasi kasalan ko ba na walang internet kaya di ko agad na pasa via online! ha!!!! at malay ko ba na hanggang umaga lang pala ng friday! putang ina talaga! naiinis ako sa kamalasan ko! shet! kung kelan nagaaral na mabuti tska naman nagkakaganto! ano bang gusto mo! maginuman nalang buong taon?! ha! eto pa malupet wala na ngang napasa online wala pa ung hard copy! boom naman! eto talaga tanga tawag dun. May naisip na ngang plano wala naman si sir. ayuuss pinanganak na malas talaga kahit ano gawin ayaw parin. bukas my plan b ako sana tumalab na talaga jusko po maria jose. Kaya lang..... ASAN YUNG HARD COPY!!!!! pota nawawala. Sino kumain nun lintek na buhay talaga. Nawala luha ko sa sobrang kakamura dito effective pala yun. hooo! putaaaang Inaaaa!!!

kasi di sila swerte.

Ginawa ko tong blog na to para ilabas lahat ng hinanaing ko sa puso't isip ko. boom! baka kasi mabaliw ako pag di ko nilabas sa dami ng kamalasan sa buhay ko. Tagalog nalang baka kasi masita pa ung grammar ko pag english dun kayo sa wordpress puro kacornihan dun, eto diary ko to kacornihan din part II lang. Habang ginagawa ko to naiinis nanaman ako dahil sa pag apak ng pinsan kong mataba sa kama ko! grabe kasi makalubog kulang nalang pati ako magslide. Walang gabi na hindi ako nainis buti nalang hindi pako pumapangit siguro malapit na at malapit narin sumabog tong kaloob looban ko. lintek!